Camp Speed book one

Stuck On You by Nikki Karenina

Camp Speed book two

Head Over Wheels In Love by Skye Reyes

Camp Speed book three

My Stupid Heart by Nikki Del Rosario

Camp Speed book four

Fall Into Me by Cady Lorenzana

Camp Speed book five

Kiss, Kiss, Fall In Love by Marione Ashley

Showing posts with label Marione Ashley. Show all posts
Showing posts with label Marione Ashley. Show all posts

Monday, May 25, 2015

CS #15: When You Fall by Marione Ashley


Camp Speed Book 15: When You Fall
by: Marione Ashley

“Ang liit ng kamay mo pero nagawa mong hawakan ang buong mundo ko…”


Iba ang dahilan ng pagpunta ni Myle sa Camp Speed. Gusto lang niyang makilala ang kanyang tunay na ama. Ngunit nang makarating siya sa camp ay iba ang nakilala at nakita niya—si Rhyu Matsumoto. She became curious about him because of his name. Kapareho kasi nito ang pangalan ng chat-friend niya.

Rhyu Matsumoto was everything her chat-friend was not. He was serious, cold, and aloof. But those did not deter her from wanting to be near him. Sa kabila ng pagtutol ng isip ni Myle ay sinubukan pa rin niyang makipaglapit kay Rhyu.

She never realized it would be the start of her fall. And she fell indeed. Lalong umusbong ang pagmamahal niya nang sabihin sa kanya ni Rhyu na may “something” sila. Ang buong akala ni Myle ay sasaluhin siya ni Rhyu ngunit nagkamali siya. Dahil gumuho ang mundo niya nang malaman ang itinatagong sekreto ni Rhyu.

Tuesday, December 24, 2013

CS #09: Right Love At The (Wrong) Perfect Time by Marione Ashley


Camp Speed Book 9: Right Love At The Wrong Perfect Time
by: Marione Ashley

“Just remember that I loved you even when you made yourself unlovable.”


Rahzel closed her heart to the thought of loving someone aside from her family. Lagi na lang kasi siyang iniiwan at sinasaktan ng mga lalaking minamahal niya kaya nangako siyang hindi na magmamahal pa.

Until she met Zen once again.

Right love at the perfect time…

Zen was the last person Rahzel wanted to see. Hindi niya makakalimutan ang ginawa nitong pananakit sa damdamin niya na labis na nakaapekto sa kanyang pagkatao. Pero paano niya ito iiwasan kung sa bawat paglingon niya ay nakasunod ito sa kanya? Paano niya ito maiaalis sa puso niya kung sa pagtakbo niya ay nakahabol ito sa kanya?

At ang lintik na puso niya, hindi pa rin nadadala. Sa kabila ng lahat ng nangyari ay hindi pa rin niya maikakaila na mahal pa rin niya si Zen.niyang hindi siya mabo-bore kahit kailan basta ito ang kasama niya.

Tuesday, March 26, 2013

CS #05: Kiss, Kiss, Fall In Love by Marione Ashley


Camp Speed Book 5: Kiss, Kiss, Fall In Love
by: Marione Ashley

“He is worth the pain and the heartaches. Ganoon naman kapag mahal mo, hindi ba? Patatawarin mo siya, tatanggapin mo uli siya, mamahalin mo pa rin siya kasi nagmamahal ka, eh.” 


Psyche Faie Macaraeg had been waiting for her true love and was saving her first kiss for him. Ang akala niya ay natagpuan na niya iyon sa katauhan ni Rance Miguel—ang kauna-unahang lalaking hinayaan niyang makalapit sa kanya. Balak na sana niyang sagutin ito kung hindi lang umeksena ang best guy friend niyang si Eros Gabriel Roxas. Basta-basta na lang nitong ninakaw sa kanya ang first kiss niya.

Pero wala sa hinagap niya na mauuwi sa isang aksidente ang kagustuhan niyang gantihan ito. Kaya nang hilingin ni Eros na maging personal nurse siya nito ay agad siyang pumayag. Ginawa niya ang tungkulin niya bilang tagapag-alaga nito ngunit hindi niya inasahan ang pagbabago ng damdamin niya para dito. Unti-unting nahuhulog ang loob niya rito. Lalo niyang napatunayan na mahal na niya ito hindi bilang Eros na best friend niya nang muli siyang halikan nito.

Kaya ganoon na lang ang tuwang naramdaman niya nang malaman niyang pareho sila ng nararamdaman nito. Nang hilingin nitong subukan nilang lumampas sa linya ng pagkakaibigan ay sinang-ayunan niya iyon. Hindi mapantayan ang sayang kanyang nararamdaman tuwing kasama niya ito. Ngunit ang inaakala niyang saya ay mapuputol din pala nang malaman niyang parte lang pala ng isang palabas ang relasyon nilang dalawa.