Camp Speed book one

Stuck On You by Nikki Karenina

Camp Speed book two

Head Over Wheels In Love by Skye Reyes

Camp Speed book three

My Stupid Heart by Nikki Del Rosario

Camp Speed book four

Fall Into Me by Cady Lorenzana

Camp Speed book five

Kiss, Kiss, Fall In Love by Marione Ashley

Monday, May 25, 2015

CS #16: Yesterday Once More by Cady Lorenzana


Camp Speed Book 16: Yesterday Once More
by: Cady Lorenzana


“Gaano man katindi ang galit na naramdaman ko sa `yo ay hindi ko pa rin magawang turuan ang puso ko na saktan ka. You’re still the one I am longing for.”


Dahil sa isang blind date ay muling nagtagpo ang mga landas nina Paula at Koen. And surprisingly, sa halip na magalit sa muli nilang pagkikita ay mukhang masaya pa ang binata. Ipinagtataka iyon ni Paula dahil nasaktan niya ito noon nang maghiwalay sila.

Nakakasorpresa rin ang magandang trato na ibinibigay ni Koen. Hinahanap-hanap ni Paula ang ganoong pakiramdam: ang spark, ang kilig, na walang kahit sinong makapagbigay sa kanya maliban sa dating kasintahan. And eventually, natagpuan niya ang sarili na muling iniibig si Koen. Niligawan siya nito at ipinaramdam na mahal siya sa kabila ng mga nangyari sa kanila.

Or so she thought.

Dahil nalaman niya ang totoong dahilan kaya nakipaglapit sa kanya si Koen. Mukhang sa pangalawang pagkakataon ay masasaktan na naman siya nang dahil sa binata.

CS #15: When You Fall by Marione Ashley


Camp Speed Book 15: When You Fall
by: Marione Ashley

“Ang liit ng kamay mo pero nagawa mong hawakan ang buong mundo ko…”


Iba ang dahilan ng pagpunta ni Myle sa Camp Speed. Gusto lang niyang makilala ang kanyang tunay na ama. Ngunit nang makarating siya sa camp ay iba ang nakilala at nakita niya—si Rhyu Matsumoto. She became curious about him because of his name. Kapareho kasi nito ang pangalan ng chat-friend niya.

Rhyu Matsumoto was everything her chat-friend was not. He was serious, cold, and aloof. But those did not deter her from wanting to be near him. Sa kabila ng pagtutol ng isip ni Myle ay sinubukan pa rin niyang makipaglapit kay Rhyu.

She never realized it would be the start of her fall. And she fell indeed. Lalong umusbong ang pagmamahal niya nang sabihin sa kanya ni Rhyu na may “something” sila. Ang buong akala ni Myle ay sasaluhin siya ni Rhyu ngunit nagkamali siya. Dahil gumuho ang mundo niya nang malaman ang itinatagong sekreto ni Rhyu.