Trivias



Stuck On You
Nikki Karenina
CHARACTERS:

MITCH ESGUERRA

  • He’s actually inspired by Mitch Evans. Dahil mahal na mahal ko si Mitch Evans! Oo. Mas mahal ko siya kaysa kay Marlon Stockinger ngayon. XD Habang sinusulat ko kasi ang “Stuck On You” ay kasagsagan ng GP3 World Championship Series 2013 kung saan kasali si Mitch at katulad nang character ni Mitch Esguerra dito, race leader din siya. Basically, si Mitch Esguerra ay si Mitch Evans talaga.
  • On the other hand, may pagka-Marlon Stockinger-ish din si Mitch Esguerra. Since Pinoy si Mitch kaya mas malapit ang back story niya sa story ng buhay ni Marlon. Kaya may mga parts dito na parang si Marlon si Mitch. Anyways, mahal ko naman si ME at si MS kaya okay lang. ;)
  • Sinadya ko rin nag awing Laura ang pangalan ng kapatid ni Mitch Esguerra dito dahil katulad ng sinabi ko, Mitch Evans-inspired ang character ni Mitch Esguerra at sa totoong buhay, may kapatid talaga na “Laura” si Mitch. Iyon nga lang, mas matanda ito sa kanya.
  • Lahat ng anggulo dito ni Mitch ay binase ko sa mga pictures ni Mitch Evans na nakuha ko sa internet. Alam kong masayahing tao si Mitch. But whenever I look into his pictures on the web, his serious and pokerfaced pictures always got me so hooked on him. Kasi, mahilig ako sa pa-suplado type. At ‘yong side na ‘yon ni Mitch Evans ang kinuha ko para sa character ni Mitch Esguerra.

KAYCEE JEAN MORALES

  • So, yeah. In case you still didn’t know, I am me. XD I got “Kaycee Jean” from my pen name on Dream Love Collection. At uunahan ko na kayo para hindi na kayo magtaka, akong-ako si Kaycee dito. Sa lahat ng unang mga nakabasa ng “Stuck On You” agad nilang sinabi sa’kin na akong-ako daw talaga si Kaycee kaya bakit ko pa daw pinalitan ‘yong pangalan niya. HAHAHA!
  • Hanggang sa nobela lang ang mga actions ni Kaycee dito. Sa totoong buhay po ay hindi ko kayang gawin ang mga bagay na nagawa ni Kaycee lalo na ang “paghahabol”. Pagpapansin pa siguro pwede. ;)
  • If you know me, you’ll definitely know Kaycee. 
  • Trivias sa heroines for the first five: kung sino ang sumulat, siya rin ang heroine. :D


THE STORY:

  • During our conceptualization, the five of us draw lots kung sino ang mauuna ‘til ten for the batch one. Ate Skye Reyes got number one and two. At dahil excited akong isulat ang story “namin” ni Mitch, nag-volunteer ako na ako na lang ang mauuna. Kaya, ako nga ang nauna. 
  • This story is about a fan-girl who’s in love with her idol. It’s about how she would realize the difference of being a fan-girl in love and a girl in love. 
  • This is also about relationship securities, assurances and “titles”. Hindi naman kasi tayo mako-kontento sa “you know I love you, I know you love me” scheme, ‘di ba? Kaya isa iyon sa mata-tackle sa story na ‘to.
  • The characters here were actually the people around me. Nilagyan ko lang ng twist ang names nila pero sila pa rin ‘yon. Like my friend Louelle na ang pangalan sa istoryang ito ay “Elle”. Most of my statements was inspired by her. Kasi mas marami siyang alam kaysa sa’kin. At madalas, siya rin ang nakaka-brainstorming ko. Okay, mostly pala, halos lahat ng second bananas ko ay inspired sa kanya.
  • Favorite scenes ko dito ay ‘yong mga TWITTER CONVERSATIONS ng characters. Nag-enjoy akong isulat ‘yon at saka, nakakakilig. 


OVERALL TRIVIA:

  • This is pure fantasy. HAHAHA! Pagbigyan n’yo na ako sa pagfi-feeling ko dahil sa totoong buhay, may Hannah Morris si Mitch at mahal ko sila as a couple. ‘Yon nga lang, nang isulat ko kasi ang “Stuck On You” ay hindi ko pa tanggap ang relasyon nila. See? I’m a feeler, right? Forgive me. I’m a fangirl.

Back To Top


My Stupid Heart
Nikki Del Rosario
CHARACTERS:

JAN SLATER YOUNG

  • Well, matagal ko na talagang crush si Slater Young. Matagal ko na din siyang iniisipan ng story pero destined siguro talaga siyang mapasama sa Camp Speed.
  • Actually, hindi ko alam na racer din pala si Slater sa totoong buhay. Recently ko lang nalaman iyon.
  • Hindi ko talaga alam kung paano ko na-characterize si Slater. Siguro dahil gustong-gusto ko talaga siya, lahat ng makita ko sa kanya everytime na nakikita ko siya sa TV ay na-apply ko sa nobelang ‘to.
  • Para sa’kin, lovable si Slater. Hindi naman ako nahirapang isulat siya dahil hindi niya ako pinahirapan. Gusto ko pa nga siyang ipagpatayo ng rebulto sa sobrang pagmamahal niya kay Beatrice eh.

BEATRICE CARLOS

  • Well, hindi ko alam kung ako talaga si Bea pero iyong ibang personality niya, based on my alter ego.
  • Iyong stage-fright ni Bea, based din po sa’kin iyon.
  • Actually… sige na nga, aamin na ako. Ako po kasi talaga si Beatrice eh. In denial lang po talaga ako no’ng umpisa.


STORY:

  • Iyong story ni Bea at Slater, sobrang light lang. Masyado lang talaga akong nacu-curious kung paano kapag ang heroine naman ang nanakit sa hero, ano kaya ang gagawin ng hero? Kaya sinubukan ko iyon sa story nila.
  • At dahil mas gusto kong gumamit ng pangalan ng mga totoong tao, nagpapaalam ako sa kanila kung puwede kong isama dito ang mga pangalan nila. Fortunately, pumayag naman sila kaya solve ang problema. 
  • Iyong love story ni Slater at Bea, deep inside gusto ko din magkaro’n ng ganyang relationship. Parang ang daming pagsubok pero sa huli, nalagpasan din nila ang mga iyon dahil mahal nila ang isa’t-isa.


THE STORY BEHIND CAMP SPEED:

  • Actually, hindi ako fan ng racing. As in hindi nga ako nagbabasa ng news o nanonood ng may kinalaman sa racing.
  • Si Nikki Karenina talaga ang naghila sa’ming apat (Cady Lorenzana, Skye Reyes, Marione Ashley) na gawin ang series na ‘to. At dahil sa tingin namin ay okay lang naman, pumayag kami.
  • Hindi ko talaga ine-expect na makakasama ako sa series na ‘to. Bukod sa hindi ko gusto ang racing, hindi ko alam kung kaya kong makisabay sa mga writers na kasama ko. Pero dahil sa suporta at tiwala nila, buong-buo pa din ang Camp Speed. As in lima kami.
  • Sana lang, magtagal at maging successful ang series na ‘to dahil pinaghirapan namin ito at masaya kaming gawin ‘to nang magkakasama.

Back To Top


Fall Into Me
Cady Lorenzana
CHARACTERS:

KEITH MCGRAW

  • I love “torpe” guys. Madalas ay natotorpe ang mga heroes na ginagawa ko. Pero sa lahat, si Keith ang pinakamatindi. Hi-hi.
  • Dapat ay playboy dito si Keith dahil mahilig rin ako sa playboy. Pero as the story goes on, binago ko siya. Hindi siya playboy. Sakto lang.
  • He was afraid of rejections.
  • Bukod sa Formula One Race Car driver siya, may hidden talent rin siya. Ano `yun? Basahin niyo na lang `yung book. He-he.
  • Protective si Keith. At nangyari `yun dahil kay Christian Grey! Ha-ha! Kakatapos ko lang kasing basahin `yung 50 shades habang sinusulat ko ito. Na-inspired ako roon nang slight. Char!

PATRIZIA/ZIA CIPRIANO

  • I took the name from a reader/friend Patrizia Ann Gutierrez since nag-request siya sa akin a long long time ago na sana daw ay magamit `yung name niya as heroine sa pocketbook. Ginawa ko lang Zia `yung nickname niya.
  • `Yung qualities ni Zia, madalas galing sa akin lahat. Well, most of the times, I always put myself in my heroine’s shoes.
  • Maarte si Zia. Kagaya ko. He-he.
  • She’s a model.
  • Lagi siyang nai-i-inlove pero nasasaktan rin sa huli. May gusto siya sa isa sa mga triplets. :P

THE STORY

  • Dapat ay ako ang pang-five sa magsusulat sa first batch. Pero dahil lumuwag naman ang schedule ko, nag-give way ako. He-he.
  • I love Cats and Dogs stories. Ganoon ang theme ng kuwento nina Keith at Zia. Mahilig kasi ako doon sa mga scenes na palaging nag-aaway.
  • Naka-ilang ulit rin ako nang story na ito. Mga three times yata! But I’m glad worth it naman `yun kasi na-approved agad siya.
  • `Yung isang scene dito ay inspired sa Victoria Secret Fashion show last 2012 yata `yun. Ginamit ko rin `yun sa isang kuwento ng for revision manuscript ko pero dahil hindi ko na siya inayos, nilagay ko na lang siya dito. Isa `yun sa mga favorite scene ko.
  • The lesson in the story? Ah, teka. Sasabihin ko na lang `yung mga ibang aspects na tinackle nito. He-he. The story is about handling rejections, trust and possessiveness thingy! Ahhhh, basta, hindi ko masabi nang diretso. Kayo na lang ang bahalang humusga. He-he.

Back To Top


Kiss, Kiss, Fall In Love
Marione Ashley
CHARACTERS:

EROS GABRIEL ROXAS

  • Inosente ako noong panahong sinulat ko si Gabby. Kaya heto ang kinalabasan.
  • Iniisip ko pa kung sino ang naging inspirasyon ko sa kanya no’ng sinusulat ko siya. Sige, si Danny S. na. Ahehe!
  • Ahm, to those who read When a Genius Falls in Love, isipin niyo na lang na medyo mas malandi si Gabby ng one percent kaysa kay Chase ;)
  • Gabby loves back hugs and sweets.
  • Basta! Wholesome si Gabby. Pramis. Pero sa lahat ng heroes ko, siya `yong minahal ko ng slight habang sinusulat ko.

PSYCHE FAIE MACARAEG

  • Hindi ko masasabing ako ng buo si Psyche, siguro `yong ibang qualities lang. Ahehehe. Kapag kasi wala akong pinaghuhugutan ng characters, sa sarili ko ako tumitingin.
  • Duwag si Psyche pero alam niya kung kailan siya dapat maging matapang.
  • Ah, wholesome din si Psyche. Wala siyang bahid ng ka-malisyahan sa isip.
  • Utu-uto si Psyche. As in.

RANCE MIGUEL

  • Third party—of some sort. Basta filler si Rance sa story.
  • Martyr siya. Pero siya `yong martyr (for me) na hindi mo kaaasaran.
  • Kind-hearted, lovable, mabait etc etc. Ahehehe!


STORY:

  • Pang-third dapat ako. Since I was so damn lazy and a turtle when it comes to writing, naging pang-fifth si Eros at Psyche. Sorry, guys ;)
  • I’m fascinated with best friends-turned-lovers story. Cliché storyline, I know, pero favorite ko talaga ang ganyang story. Kaya ayan ang kinalabasan.
  • Bite Me!, Psyche and Eros’ pastry shop, was inspired by our first feasibility studies on PUP. Wala akong maisip na pangalan ng pastry shop nila Psyche kaya `yang Bite Me! ang ginamit ko. Palagi tuloy akong inaasar ng mga ka-collab ko ng, “Bite Me! Gabby.” HAHAHAHA!
  • The novel is about taking risk. Kasi kapag nagmahal tayo, para walang ‘what if’s,’ dapat go ng go. Even if you get hurt in the end. Kasi nga, hindi naman kamote ang love na itatanim mo na lang forever para tumubo. You need to make a move sometimes and you need to risk some things.

BACK STORY:

  • Camp Speed was first mentioned on Nikki Karenina’s Twisted Tales. She asked if we want to write the series with her. We, Cady Lorenzana, Nikki del Rosario and Skye Reyes, agreed even though all of us had second thoughts that time. Ahehehe! Napasubo kami pero masaya naman pala. Sana lang magtuluy-tuloy ;)


Back To Top

2 comments:

  1. Magccomment ako para cool. :D Mwahahahaha!!!!! Cute nyo girls omg and I will be supporting this series pramis ♥

    Medyo silent reader ako... pbook man o reading sites pero sige na nga, magpapansin ako dito :> Meheheh omg kthnxbai

    ReplyDelete
    Replies
    1. Camilleeeeeee! Thank you! Thank you! Thank you! Mag-ingay ka pa ha? XD

      Delete