Camp Speed book one

Stuck On You by Nikki Karenina

Camp Speed book two

Head Over Wheels In Love by Skye Reyes

Camp Speed book three

My Stupid Heart by Nikki Del Rosario

Camp Speed book four

Fall Into Me by Cady Lorenzana

Camp Speed book five

Kiss, Kiss, Fall In Love by Marione Ashley

Showing posts with label Luna King. Show all posts
Showing posts with label Luna King. Show all posts

Wednesday, June 11, 2014

CS #13: Kiss And Run by Luna King


Camp Speed Book 13: Kiss And Run
by: Luna King

“Bakit ba galit na galit ka na mahal na mahal kita? Kung naiinggit ka, di mahalin mo rin ako!”


Five years ago, Crescent was forced to choose between love and family, and she chose the latter.

Sa pagbabalik niya sa Pilipinas, muling nagkrus ang mga landas nila ni Terrence—ang lalaking sinaktan at iniwan niya limang taon na ang nakalilipas. Mukha namang masaya na ang binata sa buhay dahil bukod sa matagumpay na racer, mayroon na rin itong bagong nobya.

Kaya hindi maintindihan ni Crescent kung bakit galit na galit pa rin si Terrence sa kanya. Wala na siyang balak balikan ang binata at ang nakaraan nila, pero makulit si Terrence. He says he hates her, but he hates her as much as he wants her in bed.

Gaya ng binata ay naguguluhan na rin si Crescent sa kanyang damdamin. She is supposed to get away from him, pero namalayan na lang niyang unti-unti silang bumabalik sa kung ano sila dati.

He is ready to give up everything he has now to be with her again. Pero muli, nalalagay si Crescent sa sitwasyon kung saan kailangan niyang mamili sa pagitan ni Terrence at ng kanyang pamilya.

CS #10: Give Your Heart A Brake by Luna King


Camp Speed Book 10: Give Your Heart A Brake
by: Luna King

“Even if I happen to forget about our love, I’m pretty sure that once I see you, I will just fall in love with you all over again.”


Masaya at kontento si Raiza sa buhay niya. Bukod sa natupad na ang pangarap niyang makapagtrabaho sa isang malaking kompanya ay may mabait pa siyang boyfriend at masayang pamilya.

And so she thought.

Dahil minsang isinama siya ni Ivan Richard Aguila—ang guwapo pero masungit niyang boss—sa Camp Speed at masaksihan niya ang pagsasalpukan ng dalawang big bike sa arena ay dumagsa ang mga imahen sa isip ni Raiza na nagdulot ng maraming tanong sa kanyang isip. Mula noon ay nag-iba ang takbo ng buhay niya.

May mga pagkakataong naguguluhan si Raiza sa mga ikinikilos niya, lalo na tuwing kasama niya si Ivan. Nasisiguro niyang simpleng paghanga lamang ang nararamdaman niya para dito pero bakit nang isama siya ni Ivan sa Batanes para sa isang “business trip” ay nag-e-enjoy siyang kasama nito at kinikilig siya sa sweetness nito?

Pilit niyang pinigilan ang paglalim ng damdamin niya para kay Ivan hanggang sa marinig niya ang pag-uusap nito at ng may-ari ng bahay na tinutuluyan nila patungkol sa kanya.

At sa mga natuklasan ay hindi niya alam kung dapat ba niyang pagsisihan ang pagsama kay Ivan