Camp Speed book one

Stuck On You by Nikki Karenina

Camp Speed book two

Head Over Wheels In Love by Skye Reyes

Camp Speed book three

My Stupid Heart by Nikki Del Rosario

Camp Speed book four

Fall Into Me by Cady Lorenzana

Camp Speed book five

Kiss, Kiss, Fall In Love by Marione Ashley

Monday, May 25, 2015

CS #16: Yesterday Once More by Cady Lorenzana


Camp Speed Book 16: Yesterday Once More
by: Cady Lorenzana


“Gaano man katindi ang galit na naramdaman ko sa `yo ay hindi ko pa rin magawang turuan ang puso ko na saktan ka. You’re still the one I am longing for.”


Dahil sa isang blind date ay muling nagtagpo ang mga landas nina Paula at Koen. And surprisingly, sa halip na magalit sa muli nilang pagkikita ay mukhang masaya pa ang binata. Ipinagtataka iyon ni Paula dahil nasaktan niya ito noon nang maghiwalay sila.

Nakakasorpresa rin ang magandang trato na ibinibigay ni Koen. Hinahanap-hanap ni Paula ang ganoong pakiramdam: ang spark, ang kilig, na walang kahit sinong makapagbigay sa kanya maliban sa dating kasintahan. And eventually, natagpuan niya ang sarili na muling iniibig si Koen. Niligawan siya nito at ipinaramdam na mahal siya sa kabila ng mga nangyari sa kanila.

Or so she thought.

Dahil nalaman niya ang totoong dahilan kaya nakipaglapit sa kanya si Koen. Mukhang sa pangalawang pagkakataon ay masasaktan na naman siya nang dahil sa binata.

CS #15: When You Fall by Marione Ashley


Camp Speed Book 15: When You Fall
by: Marione Ashley

“Ang liit ng kamay mo pero nagawa mong hawakan ang buong mundo ko…”


Iba ang dahilan ng pagpunta ni Myle sa Camp Speed. Gusto lang niyang makilala ang kanyang tunay na ama. Ngunit nang makarating siya sa camp ay iba ang nakilala at nakita niya—si Rhyu Matsumoto. She became curious about him because of his name. Kapareho kasi nito ang pangalan ng chat-friend niya.

Rhyu Matsumoto was everything her chat-friend was not. He was serious, cold, and aloof. But those did not deter her from wanting to be near him. Sa kabila ng pagtutol ng isip ni Myle ay sinubukan pa rin niyang makipaglapit kay Rhyu.

She never realized it would be the start of her fall. And she fell indeed. Lalong umusbong ang pagmamahal niya nang sabihin sa kanya ni Rhyu na may “something” sila. Ang buong akala ni Myle ay sasaluhin siya ni Rhyu ngunit nagkamali siya. Dahil gumuho ang mundo niya nang malaman ang itinatagong sekreto ni Rhyu.

Wednesday, August 27, 2014

CS #14: Why Are We Still Friends by Nikki Del Rosario


Camp Speed Book 14: Why Are We Still Friends
by: Nikki Del Rosario

“Selfish na kung selfish pero ganoon yata talaga ang mga taong nagmamahal. Gagawin ang lahat mawala lang ang mga kahati nila sa atensiyon ng minamahal.”


Kathryn and Dennis had been best of friends like forever. Bata pa lang sila ay kasangga na nila ang isa’t isa. Si Dennis lang ang masasabi ni Kathryn na kaibigan niya. Ngunit nagbago ang lahat nang magtapat si Dennis ng pag-ibig sa kanya sa harap ng mga kaibigan ng lalaki. Ang ginawa niya? Tinakbuhan ni Kathryn si Dennis at iniwasan. Oo nga at pareho sila ng nararamdaman ngunit ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila kapag hindi naging matagumpay ang relasyong bubuuin nila.

Pagkalipas ng maraming taon, ang akala ni Kathryn ay nagbago na ang lahat sa pagitan nila ni Dennis. Ngunit laking gulat niya nang muli ay magtapat na naman ng pag-ibig sa kanya ang kaibigan. Sa pangalawang pagkakataon ay tinanggihan niya si Dennis. Ngunit bakit ganoon na lang ang pagrerebelde ng kanyang kalooban nang dumating ang pinsan niyang unang pag-ibig ni Dennis at nabale-wala siya?

Kakainin na ba ni Kathryn ang sinabing hindi niya sisirain ang pagkakaibigan nila o hahayaan na lang na maging masaya si Dennis sa piling ng pinsan niya?

Wednesday, June 11, 2014

CS #13: Kiss And Run by Luna King


Camp Speed Book 13: Kiss And Run
by: Luna King

“Bakit ba galit na galit ka na mahal na mahal kita? Kung naiinggit ka, di mahalin mo rin ako!”


Five years ago, Crescent was forced to choose between love and family, and she chose the latter.

Sa pagbabalik niya sa Pilipinas, muling nagkrus ang mga landas nila ni Terrence—ang lalaking sinaktan at iniwan niya limang taon na ang nakalilipas. Mukha namang masaya na ang binata sa buhay dahil bukod sa matagumpay na racer, mayroon na rin itong bagong nobya.

Kaya hindi maintindihan ni Crescent kung bakit galit na galit pa rin si Terrence sa kanya. Wala na siyang balak balikan ang binata at ang nakaraan nila, pero makulit si Terrence. He says he hates her, but he hates her as much as he wants her in bed.

Gaya ng binata ay naguguluhan na rin si Crescent sa kanyang damdamin. She is supposed to get away from him, pero namalayan na lang niyang unti-unti silang bumabalik sa kung ano sila dati.

He is ready to give up everything he has now to be with her again. Pero muli, nalalagay si Crescent sa sitwasyon kung saan kailangan niyang mamili sa pagitan ni Terrence at ng kanyang pamilya.

CS #12: How You Love Me Now by Cady Lorenzana


Camp Speed Book 12: How You Love Me Now
by: Cady Lorenzana

“They say a special person’s picture should always be in one’s wallet. Nakailang palit na ako ng wallet pero sa tuwina ay nandiyan pa rin ang picture mo. Parang ikaw sa puso ko. Kahit nakailang palit ako ng girlfriend, ikaw pa rin ang laman nito.”


Para kay Laarnie ay parte na ng nakaraan niya si Kent Constantino. So she was more than surprised when she found out that, whether she liked it or not, she was arranged to be married to Kent. Siyempre, hindi siya pumayag. Nang puntahan niya ang lalaki para pakiusapan na huwag na nilang ituloy ang napipintong kasal ay hindi ito pumayag. Dahil pursigido pala si Kent na pakasalan siya.

“I like challenges. Kaya nga mahilig ako sa racing because it is something dangerous and challenging,” pagdadahilan ni Kent.

Hindi mahilig sa challenges si Laarnie. Hindi rin niya gusto ang lalaki. Pero nang muling hawakan ni Kent ang kamay niya ay may kakaiba siyang naramdaman para dito. And before Laarnie knew it, her heart surrendered once again to Kent.

Okay na sana ang lahat kung hindi lang nalaman ni Laarnie ang totoong dahilan kung bakit siya ipapakasal ng mga magulang niya kay Kent…