- Camp Speed Book One: Stuck On You by Nikki Karenina
- Camp Speed Book Two: Head Over Wheels In Love by Skye Reyes
- Camp Speed Book Three: My Stupid Heart by Nikki Del Rosario
- Camp Speed Book Four: Fall Into Me by Cady Lorenzana
- Camp Speed Book Five: Kiss, Kiss, Fall In Love by Marione Ashley
Stuck On You
Nikki Karenina
“LOOK, KAYCEE. I know what you want from me but I can’t give it to you. I’m not planning to date someone and having a relationship isn’t really on my list right now. Kaya kung sinusubukan mong makipagpalagayang loob sa’kin, nagsasayang ka lang ng panahon dahil two weeks from now ay aalis na ulit ako papuntang Europe,” diretsong paliwanag ni Mitch kay Kaycee.
So now she gets it. Ganoon ito kung makitungo sa kanya dahil marahil noong una pa lang, dahil sa isinigaw niya sa CafĂ© Drive kanina’y nalaman na nitong ang pagsinta niya rito at ang plano niyang mapalapit dito. He’s not planning on having any romantic affairs now so he’s scaring her off.
Nginitian niya ito. It was good to hear honesty from him like that. “Pero hindi naman ako susuko hanggang sa maisipan mo nang makipag-date at makipagrelasyon,” confident na sabi niya rito.
Aba, matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito, palalampasin ko pa ba?
Bumadha ang pagkagulat sa mukha nito. It was like he was caught off guard. Gotcha!
“Kaycee, my goal in life is to be a Formula One race driver. Gagawin ko ang lahat para makamit ‘yon,” seryosong sabi nito sa kanya.
“Mitch, my goal in life is to be your wife. At gagawin ko ang lahat para makamit ‘yon,” nakangiting sabi niya rito. Muntikan na siyang mapatawa nang makita niyang muntikan nang mapaawang ang mga labi nito dahil sa sinabi niya.
“You serious?” anito.
“Yup,” aniya. Ooooh. This conversation is going somewhere.
“Don’t you have other things to do in life? Other dreams? Other goals?”
“Narating ko na ang gusto kong marating. Kontento na ako sa buhay ko. May stable na akong trabaho. Other dream? Nothing that I can’t think of except you. Other goals? None. Sabi ko naman sa’yo, my goal in life is to be your wife,” aniya rito.
“Are you obsessed with me?” he asked, frowning.
“I love you,” sagot niya rito.
“But, I don’t,” sabi naman nito.
Ouch! “Don’t worry. I will make you love me,” aniya.
He scoffed at her. “Good luck with that. Just a piece of advice, you’re going to waste your time on me.”
Nginisihan niya ito. “Every time with you is worth wasting.” Nagpa-cute pa siya rito pagkatapos niyang sabihin iyon.
Kung inaakala nitong magba-back out siya’s nagkakamali ito. Mas makulit pa yata siya kaysa sa pinakamakulit na parte ng pag-iisip nito. Ito ang kailangan ng “good luck” dahil sisiguraduhin niyang bago ito bumalik ng Europe ay in love na ito sa kanya.
Back To Top
My Stupid Heart
Nikki Del Rosario
PINANOOD ni Slater habang natutulog si Bea. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang maganda at maamong mukha nito.
She never fails to amuse him. She never fails to make him fall for her over and over every day. Kahit kailan ay hinding-hindi siya magsisisi na ito ang babaeng minahal niya. Napangiti siya nang biglang gumitiw sa alaala niya ang unang beses na makita niya ito.
Nakatambay si Slater sa Botanical Garden ng San Lorenzo University, ang unibersidad kung saan siya pumapasok. Unang beses pa lang kasi niyang makita iyon ay na-in love na agad siya sa buong lugar. Para siyang nasa paraiso at kakaibang kapayapaan sa damdamin ang nararamdaman niya sa tuwing nandoon siya.
Abala siya noon sa pagdidilig at pagbubungkal sa mga halaman nang bigla na lang siyang makarinig ng isang may kalakasang tikhim. Nang lingunin niya iyon ay parang tumigil sa pagtibok ang puso niya. Isang napakagandang anghel ang nakatayo sa gilid ng nag-iisang bench doon.
Wala sa sariling hinagod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Mas matangkad ito kaysa sa normal na babae. Morena ito. Hindi niya masyadong matitigan ang mga mata nito dahil may kalayuan ito sa kinaroroonan niya ngunit para sa kanya, bagay lang dito ang hugis puso nitong mukha.
Kahit na isang maluwang na jersey shirt at skinny jeans lang ang suot nito ay ito na yata ang pinaka-magandang babae na nasilayan niya sa Unibersidad na iyon.
“Yes?” nasabi niya nang muli itong tumikhim.
“Puwede bang tumambay dito?” tanong nito. Her voice is like music to his ears. Malambing ang dating niyon sa pandinig niya.
Tumikhim siya bago inalis ang gloves niya. Nagsimula siyang lumakad palapit dito kahit na biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Na-weirdohan man siya sa epekto nito sa kanya ay hindi na muna niya papansinin iyon. Kailangan muna niyang pagtuunan ng pansin ang isang anghel sa harap niya.
“Sure. Kahit sino naman puwedeng pumunta dito.” nakangiting sagot niya sa tanong nito.
Umangat ang sulok ng labi nito. “Thank you.” Umupo ito sa bench at sinimulang halughugin ang bag nito. Mas lalo yata itong gumanda ngayong nakikita na niya ito ng malapitan.
Matangos ang ilong nito at kulay rosas ang labi nito. Tuwid din ang itim na buhok nito na hanggang balikat ang haba. Hindi maalis ang tingin niya dito at bawat galaw nito ay katakatakang sinusundan niya.
“May kailangan ka?” ang tanong nitong iyon ang nagpagising sa nahihibang niyang diwa. Tiningnan niya ito ngunit isang maling hakbang iyon nang matitigan niya ang kulay tsokolateng mga mata nito. Hindi kakikitaan ng kahit na anong emosyon iyon ngunit may kakaibang kislap naman siyang nakikita sa mga mata nito.
Muli ay tumikhim siya. “Ah, I’m Slater Young. What’s your name?” pagpapakilala niya dito.Inilahad niya ang kamay niya dito.
“Beatrice. But you can call me Bea.” sagot nitong tinanggap naman ang pakikipagkamay niya.
Binitiwan lang niya ang kamay nito nang tumikhim ito at tangkaing bawiin ang kamay nito mula sa kanya. “Nice to meet you, Bea.” nakangiting sabi niya bago bantulot na tinalikuran ito at binalikan ang ginagawa niya.
Kahit na inaabala niya ang sarili niya sa ginagawa ay maya’t-maya naman siyang lumilingon sa gawi nito. Abala ito sa pagbabasa ng libro. Halatang hindi ito aware sa paligid nito.
Nakangiting binalingan niya ang pagtatanim. Siguradong magiging exciting ang college life niya simula sa araw na iyon.
Simula nang araw na iyon ay gumawa siya ng sarili niyang paraan para humanap ng kahit na anong impormasyon tungkol kay Bea. At dahil sa mga nalaman niya kaya niya napagtantong na-love at first sight siya dito.
Nakangiting hinalikan niya si Bea sa noo bago dahan-dahang tumayo. Ipagluluto na lang niya ito ng pagkain para wala na itong iintindihin paggising nito.
Back To Top
Fall Into Me
Cady Lorenzana
HABANG naglalakad pabalik sa hotel suite ni Zia sa The Garage Suites ay sinigurado niyang malaki ang distance nila sa isa’t isa ni Keith. Nag-insist kasi itong ihatid pa siya papunta sa hotel suite nilang dalawa ni Rianna pagkatapos ng unang “date” nila. Pero dahil ayaw niyang makita silang dalawa ng mga tao sa Camp Speed na magkasama, iyon at nagki-keep siya ng distance dito. Mukhang nahalata naman nito ang gusto niya pero kahit ganoon ay sinusundan pa rin siya nito. Naiisip na naman niya ang pagiging overprotective nito sa kanya. Pero sa time namang iyon ay kakaiba iyon dahil ngayon ay hindi naman siya pinapakialaman nito sa gusto niya.
Naninibago na talaga siya. And to think na first date pa lamang nila! Naninibago siya na hindi na ito ang Keith na palagi siyang ginagawan ng kalokohan. Nagiging mabait na ito sa kanya, and well, naging sweet. Iyon nga lamang ay in a weird way na naman ang pagiging sweet nito.
Nang nasa tapat na siya ng suite nila ay humarap siya dito. “Puwede ka ng umalis,” pagpapaalis niya dito.
“Hindi mo ba ako yayain sa loob?”
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Hindi na. Kung makapagsalita ka naman, parang bahay itong hotel suite namin, ah,”
Kumunot ang noo nito. “Namin? Sinong kasama mo diyan? Iyong bading na si—“
“Kasama ko si Rianna,” putol niya sasabihin nito.
Nanlaki ang mata nito. “You slept with that---“
Kumunot ang noo niya. “O, ano namang problema?”
“Tinatanong mo ako kung anong problema? Kahit kung kumilos at mag-isip ay babae si Rianna, lalaki pa rin `yun, Zia!”
“I don’t mind,” balewala lang na sabi niya. “Rianna is my close friend and sometimes being my personal assistant. Kaya ano naman kung sakaling magkasama kami sa kuwarto o magkatabi kaming matulog?”
“Pero damn it, lalaki pa rin siya!” akmang bubuksan na nito ang pinto ng pigilan niya ito.
“Hey, anong gagawin mo?”
“Palalabasin ko siya diyan sa kuwarto mo!”
Humalukipkip siya. “No! I want him here,”
Tumalim ang mga mata nito. “Hindi ako papayag. Lalaki pa rin siya at paano kung gawan ka niya ng masama?”
Huminga siya nang malalim. Nawala na ang paninibago na nararamdaman niya dito kanina dahil bumabalik na naman ang ugali nito. Nag-init ang ulo niya. “Keith, nagiging overprotective ka na naman!”
“I just want your safety, Zia!” he almost shout.
“You’re so bossy! And please don’t shout. To think na nililigawan mo pa lamang ako niyan,” she pouted.
“I’m sorry. I’m just protective of you. Ayaw ko lang na masaktan ka,”
“Pero over na kasi, Keith. Kanina, okay ka na, eh. Ngayon naman, bumabalik na naman ang ugali mo. Nagiging bipolar ka, alam mo ba `yun?”
“Okay kasi tayo kanina tapos malalaman kong ganito. I just care so much for you,”
“Fine. Pero ayaw ko na muling mangyari ito, okay?”
Hindi ito nagsalita pero diretsong tumingin sa kanyag mga mata. At sa kung ano na namang kadahilanan ay parang may humaplos na naman sa puso niya. At ang tuhod niya, nagiging jelly dahil para yata siyang natutunaw sa titig nito. Pero di naman katagalan ay inalis nito ang tingin sa kanya at bumuntong-hininga tanda ng pagsubok. “Fine. Just be careful, okay?” Yay! Feeling ko, nagkaroon na rin ako ng power over him! Ito talaga ang benefit ng panliligaw niya sa akin! Ho-ho-ho!
Ngumiti siya. “Okay,”
Ngumiti rin ito. “Okay,” he said and kissed her on the cheeks. Nabigla siya sa ginawa nito. Kahit naman close ang family nilang dalawa, never pa siyang hinalikan ni Keith sa cheeks. Hindi rin naman siya papahalik dito dahil nga bata pa lamang siya ay sinusumpa na niya ito.
But the feeling of his lips landing on her cheeks is nice. Napaisip tuloy siya, paano kaya kung sa labi pa siya nito nahalikan?
Pero agad na inalis niya sa isipan ang mga naiisip niyang iyon. Paglalaruan lang niya si Keith kaya siya pumayag na magpaligaw dito. Gusto niya lang makita kung paano ito manligaw ng babae at ire-reject niya ito sa huli. Pero bakit ngayong isang araw pa lamang sila na nagde-date ay kung ano-ano na ang nararamdaman niya? Bakit ba siya nakakaramdam ng mga weird na pakiramdam ngayon kay Keith? Iyon ba ay dahil sa ginagawa rin nitong weird sa kanya ng araw na iyon? O sadyang hindi lang talaga niya pinapansin ang mga nangyayaring kakaiba sa kanya noon kapag nagkakalapit sila dahil sa mga kalokohang nagpapagalit sa kanya?
Ngunit ganoon pa man, hindi na lang siya umangal pa sa ginawa ni Keith sa kanya. Tutal, kahit nangahas itong halikan siya sa pisngi ay nakaramdam naman siya ng saya doon. Hindi na lang niya papansinin iyon. Tutal ay mukhang wala rin namang nakapansin sa ginawa nito sa kanya dahil wala namang tao sa corridor ng oras na iyon.
Malawak naman ang ngiti nito pagkatapos. At siya rin, pagkapasok niya ng pinto ng suite. Napahawak pa siya sa dibdib niya nang sumandal siya sa likod ng pinto. Hindi na niya inalintana ang nagsususpetyang tingin sa kanya ni Rianna. Pero agad rin niyang pinalis ang ngiting iyon. Huminga siya nang malalim at kinalma ang puso niya. Hindi dapat siya makaramdam ng ganoon. Keith is her enemy. She shouldn’t fall for him lalo na at ito pa nga lamang ang unang beses na nag-date sila.
Back To Top
Kiss, Kiss, Fall In Love
Marione Ashley
“POSSESSIVE talaga `yang si Keith.”
“Sinabi mo pa, Zeke. Nakakangilo.”
Hindi na lamang kumibo si Gabby sa mga kumento ng mga kaibigan sa kakaalis lamang nilang kaibigan na si Keith. Isa si Keith sa limang nangulelat sa Patron Race. Ang pinag-uusapan nila ay ang pagiging possessive ni Keith sa girlfriend nitong si Zia.
Ngayon ay nasa Camp Speed siya kasama si Psyche Faie para sa “check-up” niya. Gusto na niyang ma-guilty sa mga pinaggagagawa niyang kalokohan pero hindi naman niya magawang huminto dahil ito lamang ang naisip niyang paraan para hindi umalis sa tabi niya ang babae.
Si Psyche Faie ay kasalukuyang nasa clinic at kausap si Doc. Alyssa. Hindi na siya naka-wheelchair ngayon dahil unti-unti nang “gumagaling” ang binti niya. Naka-saklay na lamang siya.
“Mas matindi pagiging possessive nitong isang `to.” Turo sa kanya ni Zeke.
“I’m just protecting her.” Defensive na aniya. Para maging ganap na matagumpay ang ginawa niyang plano noong nakaraang Patron Race ay nanghingi siya ng tulong sa mga ito kung kaya’t alam nito ang ginawa niyang “kalokohan.”
“Protecting my ass. You just want her for yourself, Gabby. I can’t blame you. Psyche is beautiful.” Ani naman ni Zen.
Pakiramdam niya ay may pumitik sa ulo niya nang marinig ang paghanga sa boses nito. Simula pa noon ay hindi na niya nagugustuhan kapag may ibang lalaki ang nagkakagusto o tumitingin kay Psyche Faie.
“Back off, Zen!” angil niya sa lalaki. Kung nakamamatay lamang ang tingin, marahil ay kanina pa ito bumulagta sa sahig.
Itinaas nito ang magkabilang kamay. “I understand you completely, Pare. Wala eh, in love ka.”
“I’m not in love!” tanggi niya.
“Okay. Sinabi mo, eh.”
Bago pa man siya makasagot ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Paglingon niya ay bumungad sa kanya ang pigura ni Psyche Faie. Psyche Faie indeed looks like a fairy. May kaliitan kasi ito na binagayan ng mala-puso nitong mukha. She has a pair of black-rounded eyes that seems so innocent yet lively. She has a cute button nose and a pair of red and luscious lips.
He remembered the second kiss he gave her. Hindi na kasi niya napigilan pa ang sarili kung kaya’t nahalikan niya ito. He was just a man and she was sitting on his lap that time. Idagdag pa na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito sa kanya noong araw na iyon.
She wanting them to be the best of friends again.
Pagkatapos ng lahat ng planong nagawa niya, babalik sila sa pagiging magkaibigan lamang? Hell, no!
He will now admit fully that he likes Psyche Faie. Like is an understatement. Basta, hindi lamang isang kaibigan ang tingin niya dito since he doesn’t know when.
“Hi, Psyche!”
Kunot ang noong napabaling si Gabby kay Zen na siyang bumati sa dalaga. Mas lalong napakunot ang noo niya nang bigla nitong inakbayan ang dalaga. Kailan pa naging close ang dalawang ito? Ang natatandaan niyang una’t huling pagkikita ng dalawa ay noong Patron Race pa.
“How’s my girl? Pinapahirapan ka ba ni Gabby?”
My girl? Namumuro na `tong si Zen, ha!
Akmang tatayo siya nang maalala ang saklay. Kaagad niyang inipit iyon sa kili-kili at pabalyang lumapit kina Psyche Faie at Zen. Tinampal niya ang kamay ni Zen sa balikat ni Psyche Faie. He wrapped his arms around Psyche’s waist and gently kissed her cheek. Isang nagbababalang tingin ang ibinigay niya kay Zen.
“She’s mine, Zen. Back off!” aniya.
Napangiti siya ng lihim nang maramdaman ang pagsandal ni Psyche Faie sa dibdib niya. He could see the goose bumbs on her skin.
“Mas possessive pa nga kay Keith.” Nakangising ani Zen at nakipag-high five sa ka-triplets nitong si Zeke.
“You can now let me go, Gabby. At anong sa `yo ako? Neknek mo.” ani Psyche at bahagyang tinampal ang braso niyang nakapulupot sa beywang nito pero hindi naman ito gumawa ng paraan para makakawala sa magaan niyang pagkakayakap nito.
“Nah. I kinda like this position.” Aniya at itinaas-taas ang magkabilang-kilay.
Pinagtaasan siya nito ng kilay. Her eyes were twinkling with mischief. “Oh, is that so?”
“Yes. Pero may isa pang posisyon na mas gusto ko.”
Namula ang pisngi nito kung kaya’t nginisihan niya ito ng nakakaloko. There was no doubt that she was thinking of something else.
“Ano naman aber?”
Hinawakan niya ito sa kamay. He entwined their hands and he could not deny the tingling sensation he felt while holding her small hand.
“This.” Aniya at itinaas ang magkahugpong nilang kamay. “Para hindi ka mawala sa tabi ko. Para diyan ka lang. Hindi sa harapan ko, hindi sa likod ko at lalong hindi sa tabi ng ibang lalaki.”
Namula ang pisngi nito kasabay ng puswitan ng mga kaibigan niya.
Ah. He won’t ever get tired of looking at her red cheeks. He won’t ever get tired and he won’t ever get bored when he’s with her.
Back To Top







0 comments:
Post a Comment